Konteng kaalaman lang po na napulot ko saming travel kasama ang DOT ARMM.
Yung nakikita nyo pong pictures sa kinatatayuan ko ay bahay ng namayapang HEAD COMMANDER ng MILF na si Ustadz Hashim Salamat. Sya po ang kinikilala na isa sa mga sumusulong sa pinaglalaban ng mga MORO people.
Ang kanyang bahay po ay matatagpuan natin sa CAMP ABUBAKAR na ngayon at tinatawag na nilang CAMP IRANON.
Matatandaan natin na si Late President Ejercito Estrada ang isa sa mga sumulong para mapabagsak ang kampo ng mga MILF.
Ang bahay na inyo pong makikita ay isa sa mga pinaka solidong bahay na nakita ko sa buong probinsya ng Maguindanao. Simula 2005 na walang tao ata abandonado na ang bahay na ito ay nanatili paring MATATAG at MALAKAS ang mga simento.
Sa loob ng bahay na ito ay mayroong dalawamput tatlong (23) silid. At sa pagpasok mo palang sa bawat silid ay sobrang lamig at parang mararamdaman mo na may kakaiba sa loob. Sobrang init sa labas nya pero pag nakapasok ka sa abandonadong bahay mararamdam mo ang lamig na dimo alam saan nagmumula.
Sobrang nakakapanlambot ng puso pagnakapunta ka sa lugar na ito. Lalo na kung alam mo na ang kutang ito ay dating pag mamay ari natin na ngayon at pinabayaan na.
Late Ustadz Hashim Salamat ay isang bayani at matatawag nating savior of moro people in Mindanao. Walang katotohanan ang pinalabas ng dating namumuno sa gobyerno sa kapanahunan niya. Ang hangad lang po ng matandang si Hashim Salamat ay maging mapayapa at mabigyan ng karapatan ang mga moro people.
Walang makakapantay sa kanyang pamumuno sa panahon ngayon.
Dati kinukwento lang sakin ng uncle kong Ustadz ang about sa Camp Abubakar, ngayon ay napuntahan kona at dko naiwasan maluha ng konte dahil alam na alam mong totoo ung lahat ng pinaglalaban nya.
Maraming salamat po sa pagbabasa kung inyo pong nagustuhan ang article paki like and share nalang po para malaman din nila ang kasaysayan noon sa Kay Ustadz Hashim Salamat.
LIKE 👍
SHARE ??
#HashimSalamat #CampAbubakar #MaguindanaoCulture
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
HIDDEN TREASURE OF TALAYAN, MAGUINDANAO
"TALAYAN's UNDISCOVERED BEAUTY" In the inner courtyard of the Municipality of Talayan in the province of Maguindanao, The...
-
As we visit the beautiful nature of Barira, Maguindanao. We explore the Bubuludtua Falls in Barangay Nabalawag. Bubuludtua is a Iran...
-
"TALAYAN's UNDISCOVERED BEAUTY" In the inner courtyard of the Municipality of Talayan in the province of Maguindanao, The...
-
Tomas Roales y Requeña a Spanish Army Sergeant who was sent here in the Philippines in 1859. His first assignment was with the Spanish mil...
No comments:
Post a Comment